Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naging sanhi ng pagbagsak ng Super Huey helicopter sa Agusan del Sur noong Lunes.
Pasado alas syete kagabi nang lumapag sa Villamor Air Base ang C-130 aircraft na naghatid sa apat na labi ng mga airmen na kabilang sa mga nasawi.





















