Nag-inspeksyon sa detention cell ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang ilang mahistrado ng Sandiganbayan upang tingnan ang kalagayan nito sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Kaugnay ito ng hiling ni Revilla na mailipat sa Philippine National Police Custodial Center dahil sa umano’y banta sa kanyang seguridad sa nasabing BJMP facility.






















