Patuloy ang monitoring ng Armed Forces of the Philippines upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Tiniyak ng AFP na nananatiling matatag at stable ang sitwasyon sa bansa.
Aktibo rin umanong naghahanda ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sa anumang contingency na kailangang gawin sakaling lumala ang tensyon sa Middle East.






















