Nagpadala na ng subpoena ang House Justice Committee kay Ramil Madriaga upang humarap sa susunod na pagdinig ng komite.
Itinuturing si Madriaga na mahalagang testigo ng mga complainant sa reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Samantala, tiniyak ni Ombudsman Crispin Remulla ang pagsusumite sa House panel ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng Bise Presidente.






















