Tiniyak ni Ombudsman Crispin Remulla na maaaring ma-access ng publiko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ng lahat ng mga opisyal ng gobyerno.
Ngunit may limitasyon aniya sa mga ilalabas na impormasyon upang masegurong mapoprotektahan pa rin ang privacy ng mga public officials alinsunod sa Data Privacy Act.