Seryoso ang Office of the Ombudsman sa paghahanda ng kasong plunder laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero.
Ayon sa Ombudsman, may indikasyon ng sabwatan ang dalawang dating lider ng Kongreso sa pag-apruba ng mga nakaraang budget ng pamahalaan, partikular sa isyung may kaugnayan sa umano’y flood control corruption scandal.






















