Pinamamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ginagawang repair sa Buhang flyover na isinara sa publiko matapos makitaan ng mga bitak.
Sa kaniyang pagbisita sa Iloilo kahapon, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na target nitong matapos ang pagkukumpuni sa tulay sa katapusan ng Mayo upang magamit na muli ng mga turista.






















