Naghain na ng kanyang counter-affidavit o kontra-salaysay sa Quezon City Prosecutor’s Office si Cavite 4th District Representative Francisco ‘Kiko’ Barzaga kaugnay ng reklamong inciting to sedition at inciting to rebellion na isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban sa kanya.
Samantala, naniniwala ang kongresista na tama lamang ang ginawa kagabi ni Senator Imee Marcos sa isyu ng umano’y paggamit ni PBBM ng iligal na droga.






















