Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Budget and Management (DBM) na makapagtayo ng isang relief production center sa Mindanao ngayong taon.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng adaptation plan kaugnay ng nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na new normal ng bansa dahil sa kalamidad gaya ng nagdaang mga bagyong Crising, Dante, at Emong.