Sinagot ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang mga naging banat sa kanya ni dating National Security Adviser Professor Clarita Carlos.
Sa isang panayam, sinabi ni Professor Clarita Carlos na dapat manahimik si Rear Admiral Tarriela at kumuha ng duct tape upang takpan ang kanyang bibig.






















