Mariing kinondena ng Qatar, Kuwait, UAE, Bahrain, Saudi Arabia, at Jordan ang mga ginawang pag-atake ng Iran, direkta man o sa pamamagitan ng kanilang mga supporter.
Sa isang joint statement, sinabi ng grupo na malinaw na nilalabag ng Iran ang soberanya at ang Charter of the United Nations at ang mga umiiral na international law, sa pamamagitan ng direktang pag-atake at paggamit ng mga armadong grupong tapat sa kanila mula sa Iraq.






















