Nagbabala si Russian President Vladimir Putin na hindi maiiwasan ang paggamit ng nuclear weapons dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa seguridad sa mundo.
Ayon sa Russian leader, kung aatakihin ang Russia, partikular ang Kaliningrad sa Baltic Sea, hindi sila magdadalawang-isip na gamitin ang lahat ng kanilang armas, kabilang ang nuclear weapons.





















