Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Philippine National Police Chief Police General Nicolas Torre III sa pamilya ng pulis na nasawi sa engkwentro sa Dinagat Islands nitong August 7.
Ginawaran din ni Torre ng posthumous award na medalya ng kadakilaan ang pulis bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan at sakripisyo.