Pinaniniwalaan ng iba't ibang progresibong grupo na hindi epektibong paraan ng pagbibigay ng serbisyo publiko ang privatization kaugnay ng Public-Private Partnership Act na ipinatutupad sa bansa simula nang maisabatas ito noong 2023.Karaniwan sa mga proyektong nasa ilalim ng PPP ay mga infrastructure projects na ginagamit ng mga pangkaraniwang mamamayan gaya ng mga paliparan o airports sa bansa, na kasalukuyang nasa proseso ng pagsasapribado sa pangunguna ng Department of Transportation.






















