Papayagan muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan ng mga provincial bus sa EDSA upang mapabilis ang turnaround time at maiwasan ang delay sa mga biyahe patungong probinsya.
Kaugnay ng inaasahang holiday rush, pansamantala ring pagbibigyan ng MMDA ang mga motoristang may minor traffic violations at hindi muna huhulihin upang maiwasan ang dagdag na abala sa kalsada.






















