Nagbabala ang Department of Agriculture na posibleng tumaas ang presyo ng ilang produktong pang-agrikultura dahil sa patuloy na pag-akyat ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., pinag-aaralan nila ang pagpapatupad ng price control upang hindi masyadong maramdaman ng mga mamimili ang pagtaas ng halaga ng bigas, gulay, at fertilizers.






















