Bahagyang bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na posibleng malapit nang matapos ang digmaan sa Middle East.
Sa gitna ng pabago-bagong presyo ng langis, nagpulong ang mga bansang kabilang sa G7 upang talakayin ang posibleng paggamit ng mga strategic oil reserve sakaling lumala ang krisis sa supply ng enerhiya.






















