Umaasa ang Taiwan na maaaprubahan sa pinakamadaling panahon ang planong $14-billion arms package mula sa Estados Unidos sa gitna ng patuloy na tensyon nito sa China.
Giit ni Taiwanese President Lai Ching-te, hindi probokasyon ang pagpapalakas ng depensa ng Taiwan kundi karapatan nito upang maprotektahan ang sariling seguridad at demokrasya.






















