May mga isinasagawa nang pre-disaster risk assessment ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) katuwang ang mga lokal na pamahalaan, response clusters, at DRRM council sa mga lugar na dadaanan ng inaasahang malakas na bagyo sa weekend.
Base sa weather monitoring ng PAGASA, maaaring maging typhoon o super typhoon category ang naturang bagyo na tatawaging Uwan kapag pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).























