Isang prayer rally na inorganisa ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isasagawa sa Davao City sa Linggo.
Layunin ng pagtitipon na ipakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino, at panawagan para sa hustisya at kapayapaan sa kabila ng mga isyu ng katiwalian sa pamahalaan.