Nagbabala ang ilang mambabatas na maaaring maharap sa kasong obstruction of justice ang sinumang hahadlang sa pagsisilbi ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon naman sa Department of Justice, maaaring isuko sa ICC ang senador alinsunod sa umiiral na batas sa Pilipinas.






















