Hindi pa nakapagbibigay ng malinaw na detalye ang tinaguriang missing bride-to-be na si Sherra De Juan kung paano siya nawala at kung ano ang nangyari sa loob ng 19 na araw.
Ayon sa Quezon City Police District, batay sa paunang impormasyong nakuha nila, sumakay si Sherra ng UV Express patungong isang mall sa Quezon City.






















