Kumilos na ang mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group para hanapin ang dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na si Royina Garma at apat na iba pa.
Ito'y matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Mandaluyong Regional Trial Court branch 279 kaugnay sa kasong murder at frustrated murder.