May rekomendasyon na ang Independent Commission for Infrastructure at Department of Public Works and Highways na sampahan ng plunder, graft, at direct bribery charges sina dating House Speaker Martin Romualdez at resigned Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kahon-kahong dokumento ang isinumite ng ICI at DPWH sa Ombudsman kaninang umaga bilang ebidensya para sa mga kasong ihahain.
Hindi kasama sa mga isinumiteng dokumento ang salaysay ng surprise witness sa Senate hearing na si Orly Guteza at ang Facebook video kung saan ibinunyag ni Zaldy Co ang umano'y kaalaman niya sa mga naging anomalya.






















