Naniniwala ang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na intensyon o plano talaga ng barko ng Peoples Liberation Army Navy na banggain ang BRP Suluan ng Philippine Coast Guard.
Nagkamali lang ito kaya't ang barko ng Chinese Coast Guard ang nasapol sa nangyaring insidente kahapon sa West Philippine Sea.