Inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang kakayahan ang Pilipinas na mag-escort ng oil tankers na dumaraan sa Strait of Hormuz sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East.
Ayon sa kalihim, mas prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers, kabilang ang mga seafarer na apektado ng sigalot.






















