Isang rockfall event o paggulong ng mga bato ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS mula Bulkang Mayon sa Albay.
Nananatili naman sa alert level 1 ang bulkan pero patuloy na pinag-iingat ang mga residenteng malapit dito lalo na kung mauulit ang insidente.






















