Aabot na sa higit 7,000 aftershocks ang naitala ng Phivolcs sa Northern Cebu, halos isang linggo matapos ang magnitude 6.9 na lindol.
Ayon kay Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, 31 lamang sa mga ito ang naramdaman, habang karamihan ay mahina at hindi napansin ng publiko.