Narekober ng Philippine Navy ang pinaghihinalaang rocket debris ng China sa karagatang sakop ng Bataraza, Palawan, matapos ang isinagawang operasyon ng BRP Lolinato To-ong.
Ayon sa Western Naval Command o WesNavCom, namataan ng mga crew ng barko ang metallic debris habang pauwi mula sa maritime patrol at anti-drug operations.






















