Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon sa malaking hamon ang turismo ng bansa.
Sa talumpati ng Pangulo kahapon sa inauguration ng Mactan Expo sa Lapu‑Lapu City, Cebu, binanggit niya na sa pamamagitan ng naturang proyekto ay inaasahang mapalalakas ang turismo sa bansa na ngayon ay nahaharap aniya sa matinding pressure.






















