Hindi magdedeploy ng warship ang Philippine Navy sa mga ginagawang aktibidad ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources gaya ng paghahatid ng tulong sa mga mangingisda sa West Philippine Sea sa ilalim ng Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda program.
Sa halip, nakatutok ang Armed Forces of the Philippines, Navy, at Air Force sa regular na maritime patrols at air surveillance sa Bajo de Masinloc, Northern Islands, Benham Rise, at Kalayaan Island group.