Iniimbestigahan ng Philippine Navy ang posibleng layunin ng China kaugnay ng paggamit ng cyanide sa West Philippine Sea, kabilang ang epekto nito sa mga Pilipinong mangingisda.
Nanindigan naman ang Philippine Navy na ipagpapatuloy ang pagpapatrolya sa exclusive economic zone ng Philippines upang maprotektahan ang mga mangingisda at mga bahura.






















