Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang ilang alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo Graciano Jr. kaugnay ng umano’y paghahatid sa kanya ng mga maletang naglalaman ng pera.
Sa pahayag ng Bise Presidente, hindi umano totoong nasa Marinduque sila ni dating Davao City Chief Information Officer Jefry Tupas noong long holiday ng April 2019 at wala rin sila sa Maynila noong September 21, 2019.






















