Naglabas ng video ang Pentagon ng pag-intercept ng U.S. Navy sa Iranian vessel na M/V Touska na papasok sana sa port ng Bandar Abbas sa Gulf of Oman nitong Linggo, Abril 19, oras sa Amerika.
Ayon sa ulat, umabot ng anim na oras ang radio challenge ng U.S. sa naturang barko, ngunit nagpatuloy umano ito sa paglayag at sinubukang lampasan ang U.S. blockade. Dahil dito, pinutukan na ito ng puwersa ng Amerika matapos hindi sumunod sa mga utos na huminto.






















