Humarap sa US Congress si Pentagon chief at Department of War Secretary Pete Hegseth, kung saan sinagot niya ang mga katanungan at pambabatikos ng ilang mambabatas kaugnay ng mga hakbang ng Estados Unidos laban sa Iran.
Ipinagtanggol din nito ang halos $1.5 trillion defense budget na isinusulong ng administrasyon ni US President Donald Trump.






















