Tiniyak ng Malacañang na susunod si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa utos ng Ombudsman kaugnay ng paglabas ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, handa ang Pangulo na ipalabas ang kanyang SALN sa tamang proseso na itinakda ng Office of the Ombudsman.






















