Malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong Commanding General ng Philippine Army na si Lieutenant General Donald Gumiran.
Ito ay ang palakasin ang kakayahan ng hukbo sa external defense at siguraduhing naka-align ang bawat sundalo sa defense priorities ng bansa.
Kasabay nito, binigyang-diin din ng Pangulo ang pangangalaga sa mga sundalo.






















