Dinipensahan ng Malacañang ang dahilan kung bakit hindi sinertipikahan bilang urgent bill ang panukalang Anti-Political Dynasty Bill, Independent People’s Commission, at reporma sa party-list system.
Ayon sa Palasyo, malinaw ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat pag-aralang mabuti ang mga naturang panukalang batas bago ito ipasa.






















