Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaki ang problemang kinakaharap ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Tiniyak naman ng Pangulo na patuloy na nakatutok ang kaniyang administrasyon sa pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng hamon na kinakaharap ng bansa.