Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magkakaroon ng ghost o substandard classrooms sa ilalim ng bagong sistema kung saan isinasailalim na sa mga lokal na pamahalaan o LGUs ang implementasyon ng mga proyekto.
Kahapon, sinaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa Memorandum of Agreement ng Department of Education at mga LGU ukol sa pagtatayo ng mga bagong silid-aralan.






















