Kinumpirma ng Malacañang na nagtanong mismo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Gabinete kung paano nakaalis si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa habang nasa protective custody ng Senado.
Inihayag din ng Palasyo na nakadepende ang magiging hakbang ni Pangulong Marcos sa magiging ruling ng Korte Suprema kaugnay ng petisyong inihain ng kampo ni Dela Rosa laban sa arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.















.jpg)






