Ayaw umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umaalis ng bansa ang mga opisyal ng pamahalaan kapag may nagbabantang sakuna o kalamidad.
Samantala, ipinauubaya na ng Palasyo sa Department of the Interior and Local Government ang imbestigasyon sa mga lokal na opisyal na bumiyahe sa ibang bansa habang nananalasa ang Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.






















