Sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month at World Teachers’ Day 2025, kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kabataan at ng kinabukasan ng bansa.
Nagpaabot din ng pagbati si Vice President Sara Duterte, na kinilala ang malaking ambag ng mga guro sa pagtataguyod ng matatag na sambayanan at maliwanag na kinabukasan ng kabataang Pilipino.