Hiniling na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkansela sa pasaporte ng negosyanteng si Charlie "Atong" Ang. Sa isang panayam, inihayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na hiniling na nila ito sa Department of Justice at sa Department of Foreign Affairs.





















