Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ise-certify niyang urgent ang panukalang batas na magbibigay sa kaniya ng kapangyarihang suspindihin ang excise tax sa langis.
Layunin ng panukala na mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga motorista at mamimili.






















