Nakatakda nang aprubahan ng Kamara ngayong linggo ang panukalang magkakaloob ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sa ilalim ng panukala, layong amyendahan ang National Internal Revenue Code at maaaring suspindihin o bawasan ng Presidente ang excise tax sa petroleum products sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee o DBCC sa pakikipag-ugnayan sa Department of Energy.






















