Inihain na nina House Speaker Isabela 6th District Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III at House Majority Leader - Ilocos Norte 1st Dist Rep. Sandro Marcos ang House Bill No. 6771 na panukalang batas na magbibigay-depinisyon at magbabawal sa pamamayani ng political dynasties.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na gawing prayoridad ang apat na kritikal na panukalang batas kabilang na ang Anti-Political Dynasty Act.






















