Target ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na makapagbigay muli ng rekomendasyon sa Office of the Ombudsman ng mga kakasuhang personalidad na umano'y sangkot sa flood control anomaly ngayong linggo.
Walang isinagawang pagdinig ang ICI kahapon ngunit nagpapatuloy ang kanilang pag-aaral sa mga ebidensyang nakalap noong nakaraang linggo.






















