Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pagtulungang pigilan ang pamamaril sa mga eskwelahan.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, hindi dapat matulad ang Pilipinas sa ibang bansa na tila nagiging normal na ang mga pamamaril sa mga eskwelahan.






















