Tiniyak ng Philippine Airlines (PAL) na may sapat pa silang suplay ng jet fuel para sa kanilang scheduled operations at long-haul flights.
Sa kanilang inilabas na advisory, sinabi ng airline company na bahagi ng kanilang pagpaplano ang pakikipag-ugnayan sa fuel suppliers, industry partners, at government stakeholders para sa stable na operasyon.






















